Skip to content
Scan a barcode
Scan
Paperback Red Herring (Panlinlang na bakas) [Filipino] Book

ISBN: B0FL9834FV

ISBN13: 9789371822923

Red Herring (Panlinlang na bakas) [Filipino]

Si Myfanwy Montana ay isang aktres na gumaganap sa papel na Elena Riggs sa seryeng My Husband is a Woman. Nakararanas siya ng Charles Bonnet Syndrome na nauugnay sa panlalabo ng paningin. Ito ang dahilan kung kaya nahihirapan siyang kumbinsihin na may taong may nagtatangka sa buhay niya na kung tawagin ay Asbo Isang nilalang na nagsusuot ng maskarang kikik at damit na gawa sa lambat upang ipaalala sa kanya ang bangungot noong kabataan niya. Matapos ang mahabang taping day ay nakatulog si Myfanwy ng mag-isa sa kanyang silid hanggang sa maalimpungatan siya nang maaninag ang mukha ng Asbo na handa na siyang saktan. Nanlaban siya ngunit sadyang malakas ang Asbo at nawalan siya ng malay sa isang pag-atake lamang. Nagising na lamang siyang nagsisigaw sa piling ni Morris na kanyang kinakasama. Ipinagtapat niya kay Morris na pinagtatangkaan siya ng Asbo. Ngunit dahil sa kawalan ng katibayan at sa dinaranas niyang hirap upang paghiwalayin kung ano ang realidad at kung ano ang guni-guni ay hindi agad siya pinaniwalaan ng kanyang kinakasama. Ayon naman kay Simeon Ulisses, ang doktor na kapareha niya sa serye ay maaaring ang mga guni-guni niya ay bunga lamang ng nagbabagong hormones kaugnay sa kanyang pagbubuntis. Bukod sa Asbo ay nagpapakita rin sa kanya ang multo ng ikugan na pinaniniwalaang pumaslang sa kanyang lolong mananalaysay at ang multo ng babaeng dugu-duguang nagbibigay babala sa kanya. Hanggang sa dumating sa puntong binubulabog na ng nilalang na iyon ang tahimik nilang pamumuhay sa set ng kanilang soap opera.

Recommended

Format: Paperback

Condition: New

$9.00
Ships within 2-3 days
Save to List

Related Subjects

Fiction Literature & Fiction

Customer Reviews

0 rating
Copyright © 2026 Thriftbooks.com Terms of Use | Privacy Policy | Do Not Sell/Share My Personal Information | Cookie Policy | Cookie Preferences | Accessibility Statement
ThriftBooks ® and the ThriftBooks ® logo are registered trademarks of Thrift Books Global, LLC
GoDaddy Verified and Secured