Taong 2011 nagsimula ang pagkakaibigan ng limang estudyante. Ibaiba ang kanilang katangian - matalino, makulit, tahimik, masiyahin, at mainitin ang ulo. Hindi man sila pare-pareho, nagkakasundo naman sila sa iisang bagay, iyon ay kundi ang maging masaya. Sa kanilang pag-graduate sa high school, sila rin ay namaalam na sa isa'tisa. Tatama sa kanila ang malaking reyalidad na hindi lahat ay magiging tulad ng dati. Nang makatungtong sila sa hustong gulang, unti-unti nilang mararanasan ang tunay na pagsubok ng mundo - pagkawala ng minamahal, pagkahirap, paglaho ng pangarap, pagkawatak-watak ng pamilya at kawalan ng lakas ng loob para piliin ang sariling kasiyahan. Sa mundong malupit, sila'y maglalakbay bibit ang salitang "pag-asa" upang hanapin ang kanilang sarili, upang silang lima ay muling magkita at upang tuklasin ang tunay na kaligayahan na taliwas sa paniniwala ng nakararami.
ThriftBooks sells millions of used books at the lowest everyday prices. We personally assess every book's quality and offer rare, out-of-print treasures. We deliver the joy of reading in recyclable packaging with free standard shipping on US orders over $20. ThriftBooks.com. Read more. Spend less.