'Sa kaharian ng Tubodlan, kilala ang mga bukal na nagdadala ng malinaw at matamis na tubig. Dito nagtagpo ang puso ng isang prinsesa at ng isang matapang na sundalo-isang pag-ibig na lihim, wagas, at sakripisyo ang kapalit.
Ngunit hindi lahat ng pag-ibig ay malaya. Sa gitna ng kaguluhan at kabangisan ng kapangyarihan, nasubok ang tibay ng damdamin at nagbunga ng trahedya. Sa huli, ang kanilang mga luha ay nagbigay-buhay sa isang pambihirang bukal-ang Daligdigan-na naging simbolo ng wagas at walang hanggang pag-ibig.
Isang pantasyang kwento ng damdamin, kababalaghan, at alamat ng kalikasan, na magpapaalala sa atin na ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat, at ang sakripisyo ay nag-iiwan ng bakas sa bawat puso.