Skip to content
Scan a barcode
Scan
Paperback Because I Fell In Love With Florante [Filipino] Book

ISBN: B0DS6PNXJ9

ISBN13: 9789367952436

Because I Fell In Love With Florante [Filipino]

Florante at Laura ni Francisco Balagtas, sino nga ba ang hindi nakadaupang-palad ang klasikong akdang ito? Tula ang pinakamatandang uri ng panitikan sa Pilipinas. Sa kasalukuyan ay nakatutuwang makakita pa rin ng mga halimbawa nito na ginagamitan ng sukat at tugma samantalang bantad na tayo sa pagsusulat nito nang malaya. Hindi pa rin naman nawawala sa uso ang mga tulang may sukat at tugma. Likas na kasi sa ating mga Pinoy na magpahayag nang ating mga naiisip sa maanyong paraan. Di nga ba't natunghayan natin kung paanong naitawid ni Kiko sa kanyang awit ang kuwento ng kanyang buhay pag-ibig at kalagayan ng bansa nang mga panahong iyon. Hindi lang naman tayo sa maikling kuwento, sanaysay at iba pa maaaring magkuwento, maaari rin sa pamamagitan ng isusulat mong tula. Isa sa maaaring paksain ng isang bagong manunulat ang kanyang mga karanasan, mga pangyayari sa kanyang buhay. Ano-ano kayang mga pangyayari sa buhay ng awtor ang matutunghayan mo sa kalipunan ng tulang kanyang isinulat? Maka-relate ka kaya? Mayroon ka rin kayang kaugnay na karanasan? Ayaw mo rin ba ng panahong tag-ulan? Pakiramdam mo ba minsan parang may third eye ka? Kilalanin ang may-akda. Basahin at namnamin ang kanyang isinulat. Malay mo, mag-click at the feeling is mutual kayo. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga tula, may bonus pa na maikling kuwento at talumpati. Paalala: Kung sa biglang tingin tingi'y bubot at masaklap palibahasa'y hilaw at mura ang balat, ngunit kung nanamnamin ang sa lamang lasap, masasarapan din ang babasang pantas.

Recommended

Format: Paperback

Condition: New

$8.31
50 Available
Ships within 2-3 days

Related Subjects

Fiction Literature & Fiction

Customer Reviews

0 rating
Copyright © 2026 Thriftbooks.com Terms of Use | Privacy Policy | Do Not Sell/Share My Personal Information | Cookie Policy | Cookie Preferences | Accessibility Statement
ThriftBooks® and the ThriftBooks® logo are registered trademarks of Thrift Books Global, LLC
GoDaddy Verified and Secured